Ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Palawan Field Office ay nakiisa sa isinagawang Job Fair event sa NCCC Mall, Convention Center, Puerto Princesa City, Palawan ngayong araw ng Lunes, Disyembre 19.

Ang aktibidad ay isinagawa sa inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan katuwang ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, Municipal Public Employment Services Offices (PESO) ng Palawan, Department of Migrant Workers at DOLE Palawan.

Labing-lima (25) na lokal at dalawang (2) overseas na participating employers ang naghanap ng mga skilled and qualified na mga aplikante.

Ang Job Fair ay isa sa programa ng DOLE sa ilalim ng Employment Facilitation na naglalayong pagisahin ang lahat ng mga partisipanteng employers/recruitment agencies local and overseas at jobseekers sa iisang venue.

End/JPBU