Ang Public Employment Service Office (PESO) ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando sa pamumuno ni G. Enrico Ferrera, PESO Manager ay nagsagawa ng tatlong araw na Career Guidance and Advocacy Program sa mga paaralan ng Don Carlos M. Mejias National High School, Azagra High School at España National High School noong Nobyembre 16 hanggang 18, 2022.

Ang adbokasiya ay dinaluhan ng 544 na mag aaral mula sa Grade 10 ng bawat paaralan.

Layunin nito na matulongan ang mga kabataan at maihanda sa pagpili nang kurso na kanilang kukunin sa pagpasok sa kolehiyo. Bahagi ng programa ang pagbibigay dagdag kaalaman sa mga kabataan kung anong mga kasanayan ang dapat nilang linangin upang ihanda ang kanilang mga sarili.